my hopes are so high that your kiss might kill me
so won't you kill me
... so i die HAPPY

Tuesday, November 21, 2006 Taas Baba.

Aking inuulit ang pag-lagay ng Tagalog na post dito sa araw na ito. Hindi ako nakapag-online kahapon kaya naman ako'y magkukuwento sa mga pangyayari.

Kahapon ay muli kaming nagkatampuhan. Sinisisi ko uli ang aking sarili sapagkan kung hindi ako tinopak ay nakapag-Basketball pa siya at hindi kami nagkagalit. Nainis lang naman ako dahil inantay ko ang teks niya, dahil gusto ko lang naman malaman kung kumusta na siya sa mga oras na iyon. Nagpunta ako sa bahay ng kaibigan kong si Tintin dahil mei kinakailangan kaming gawin. Sa oras na makarating ako sa bahay nila ay biglang tumawag ni Michael sa selpon ko. Pinapauwi na niya ako dahil andun na pala siya sa bahay. Kaya naman nagmadali ako kanila Tintin ngunit nakauwi parin ako ng alas-sais ng gabi. Pag dating ko doon ay mejoh natuwa na ako't nakita ko siya. Ngunit sa pag lapit ko sa kanya ay nalungkot ako sa mga unang sinabi niya sa akin. Sabi niya na uuwi na daw siya. Nalungkot ako sapagkat sa tagal ng pagaantay ko sa kanya at sa pagmamadali ko sa pag uwi ay iyon lamang ang pambungad niya. Kaya naman noong sinabi niya iyon ay ang sinabi ko na lang ay mamaya na. Basta parang ang bilis ng pangyayari, napansin ko na lamang ay hindi nanaman kami nagpapansinan, at nagyayaya na talaga siyang umuwi. Nainis na ako sa sarili ko dahil sobrang tinotopak na talaga ako, kahit wala naman siyang ginagawang masama. Siguro nga ay parang sinasakal ko na siya kasi parang nanghuhula lang siya kung ano ang rason ng pagka-moody ko. Pero sa kasuwertehan ay uimuwi naman siya na medyo okey na kami..

Ayun, nagloko nanaman ako. Para akong sira. Kung sana hindi ako nagkatopak ay sunud-sunod ang magagandang araw ko..

Bueno, ngayon naman ay napakasaya ko ulit. Walang nangyari masama sa amin. Nakahingi naman ako ng paumanhin sa inakto ko kahapon. Ang saya. Kaarawan ng ina ko ngayon at masaya ako't andito siya kanina kahit walang handa o ano man. Nakakain naman kami ng cake na tsokolate. Medyo marami rin kaming nakain. Haha! Napakasaya naman kapag hindi kami nagaaway. Bakit pa kasi ako tinotopak eh! Eh di sana araw araw masaya. Pero sa bagay, boring nga naman kung parati na lang masaya. Hindi ba't medyo nakakasawa yata iyon?

Hay nako, kanina pa ako pinapatulog ng ina ko. Siguro'y hanggang dito na laman muna. Sa susunod na post ko ay susubukan ko nang maging inglesyera ulit. Haha! Paalam!




ü

the time was.. 11:32 PM
.. and there were 0 people who [gave] comments

` here.waiting ;

    addressed as maggie
    lifelong dream is ; to write and to be read* born on the 8th day of august, year 1991
    taken by the most spectacular [guy] a girl could ever have ;;
    born and raised in the philippines.
    a senior high school student
    and is currently under a lot of pressure^


    friendster.com/magzkawaii
    friendster.com/simplyrandom
    xanga.com/mag02gie
    mmhhaaggzzz.livejournal.com
    magzkawaii.multiply.com

listen*to_me;

    Neon - Spongecola

that'.last>note

^reminds;me*of